Alam kong imposible, pero kung may choice talaga ako di sana nagawa ko yun.
Ngayon ko lang napagtanto (kasalanan mo to Aira! ), malaki pala talaga ang impact ng first love sa future stand mo sa love. Hindi ko balak ikuwento ang first love ko. For sure magiging bitter lang ako. Tsaka I know I don’t have any right to accuse anybody of doing something wrong (tulad na lang ng pagiging playboy..Haha!) . After all, it’s my fault. Ako yung na-fall eh. Basta sabihin na lang nating joke time lang talaga yung first love ko. At syempre ako itong si tungax nasaktan naman ng sobra. Sorry naman, first love nga eh, so first time din ma-hurt. Pero ewan ko ba talaga. May topak talaga ako. Promise! Hanggang ngayon ba naman andyan pa din siya sa puso ko. Ano bang marker ang ginamit mo ha? Pahiram nga nan nang maisulat ko din yan pangalan ko dyan sa puso mo. Oh diba! Tungaks talaga.
Anyways, ano nga ba talaga ang naging resulta ng pagiging isang malaking FAIL ng FIRST LOVE ko. Edi ayun. Siguro napansin din yun nung mga sobrang tagal ko nang friends yung mula baby pa lang ay kasama ko na (Haha!). Dati kung kiligin ako, kilig talaga. Ngayon parang wala namang epekto, kahit gaano pa ka-sweet yan. Dati I believe in storybook endings and fairytales. Ngayon, asa pa! Pero ang pinaka-malala siguro ay yung I stop believing in the concept of love. Siguro naniniwala pa din naman ako, yung love sa books, sa movies. Pero naman! Fiction yun eh. Sabi ko nga diba I’d rather live in a fictional world. Gusto ko pa din namang maniwala na nag-eexist yun. Pero sa ngayon, hindi ko realidad ang love.
Kahit anong pilit ko, may tendency talaga akong lumayo sa love. Nagawa ko na yun twice. Sa mga taong di dapat at di ko balak saktan. At feeling ko, ginagawa ko nanaman yun ngayon. I distance myself when I’m about to fall or even when things are going well between us. Naaasar na talaga ako sa sarili ko. Alam mo yung, antagal mong winish na sana mapansin ka din niya, sana kausapin ka niya. Pero once na ginawa niya yun. Nako! Ayun ako. Tatakbo palayo. Hindi dahil sa nahihiya ako ha. Ayoko na lang talaga. Abnormal lang! Siguro dahil na nga rin ayoko na ulit masaktan. Ayoko na ulit maiwan. Pero nakakaasar kasi dahil dun, ako yung nakakasakit.
Kaya sana nakapili ako ng first love ko. Para naman hindi ako ganito. Para naniniwala pa din ako sa prince charming and knight in shining armor. Para naniniwala pa din ako sa love.
*yan talaga ang dahilan kung bakit Malabo ako eh. Tsaka kung bakit di ako madaling maniwala. Sorry, lalong lalo na sa mga nasaktan ko. :(